Who cast that first fateful tomato that started the La Tomatina revolution? The reality is no one knows. Maybe it was an anti-Franco rebellion, or a carnival that got out of hand. According to the most popular version of the story, during the 1945 festival of Los Gigantes (a giant paper mâché puppet parade), locals were looking to stage a brawl to get some attention. They happened upon a vegetable cart nearby and started hurling ripe tomatoes. Innocent onlookers got involved until the scene escalated into a massive melee of flying fruit. The instigators had to repay the tomato vendors, but that didn't stop the recurrence of more tomato fights—and the birth of a new tradition.
Fearful of an unruly escalation, authorities enacted, relaxed, and then reinstated a series of bans in the 1950s. In 1951, locals who defied the law were imprisoned until public outcry called for their release. The most famous effrontery to the tomato bans happened in 1957 when proponents held a mock tomato funeral complete with a coffin and procession. After 1957, the local government decided to roll with the punches, set a few rules in place, and embraced the wacky tradition.
Though the tomatoes take center stage, a week of festivities lead up to the final showdown. It's a celebration of Buñol's patron saints, the Virgin Mary and St. Louis Bertrand, with street parades, music, and fireworks in joyous Spanish fashion. To build up your strength for the impending brawl, an epic paella is served on the eve of the battle, showcasing an iconic Valencian dish of rice, seafood, saffron, and olive oil.
Today, this unfettered festival has some measure of order. Organizers have gone so far as to cultivate a special variety of unpalatable tomatoes just for the annual event. Festivities kick off around 10 a.m. when participants race to grab a ham fixed atop a greasy pole. Onlookers hose the scramblers with water while singing and dancing in the streets. When the church bell strikes noon, trucks packed with tomatoes roll into town, while chants of "To-ma-te, to-ma-te!" reach a crescendo.
Then, with the firing of a water cannon, the main event begins. That's the green light for crushing and launching tomatoes in all-out attacks against fellow participants. Long distance tomato lobbers, point-blank assassins, and medium range hook shots. Whatever your technique, by the time it's over, you will look (and feel) quite different. Nearly an hour later, tomato-soaked bombers are left to play in a sea of squishy street salsa with little left resembling a tomato to be found. A second cannon shot signals the end of the battle. | Sino ang unang nagpukol ng malas na kamatis na nagpasimula ng pag-aalsang La Tomatina? Ang totoo walang nakakaalam. Maaaring isang paghihimagsik ito laban kay Franco, o isang karnabal na nauwi sa gulo. Ayon sa isang pinakapopular na bersiyon ng kwento, noong 1945 habang idinaraos ang pista ng Los Gigantes (parada ng mga higanteng papet na yari sa papel), ilang lokal ang nagkunwaring nanggugulo para makatawag-pansin. Namataan nila ang isang kariton ng mga gulay at sinimulang ihagis ang mga hinog na kamatis. Nadamay ang mga walang kamalay-malay na manonood at nauwi ito sa isang malaking labu-labo ng nagliliparang prutas. Pinag-bayad ng mga tindero ng kamatis ang mga nagpasimuno, pero naulit at naulit ang pagpupukulan ng kamatis-at isinilang ang isang bagong tradisyon. Sa takot na mauwi ito sa isang malaking kaguluhan, gumawa ang mga awtoridad ng batas, at nagpatupad ng mga serye ng pagbabawal noong taong 1950. Noong 1951, ang mga lokal na lumabag sa batas ay ibinilanggo hanggang manawagan ang publiko na palayain sila. Ang pinaka-mapangahas na paglabag sa pagbabawal sa kamatis ay naganap noong 1957 nang ang mga tagapagtaguyod nito ay magsagawa ng kunwang libing ng kamatis kumpleto sa kabaong at prusisyon. Pagkaraan ng 1957, ang lokal na pamahalaan ay nagpasiyang makiayon na lang, nagpatupad ng ilang patakaran, at tinanggap ang kakatwang tradisyon. Bagaman ang kamatis ang bumibida, isang linggong kasiyahan muna ang nagaganap bago ang pangwakas na sagupaan. Ito ay pista ng patron ng Buñol, ang Birheng Maria at San Luis Bertrand, may parada sa kalye, musika, at masayang putukan na kaugalian sa mga Kastila. Para makaipon ng lakas sa paparating na labanan, isang malaking handaan ng paella ang gagawin sa bisperas ng sagupaan, na nagtatampok sa sikat na Valencianang putaheng ito ng kanin, lamang-dagat, sapron, at langis ng olibo. Ngayon, ang di-napigilang kapistahang ito ay meron ng kaayusan. Ang mga organisador ay nagtatanim pa nga ng espesyal na uri ng hindi masarap na kamatis para lang sa taunang paligsahang ito. Nagsisimula ang pagdiriwang ng 10:00 n.u. kung saan ang mga kalahok ay mag-uunahan sa pagkuha ng hamon na nakasabit sa palo sebo. Sinasabuyan ng tubig ng mga manonood ang mga kalahok habang nagkakantahan at nagsasayawan sila sa kalye. Sa Pagkalembang ng kampana ng simbahan sa tanghali, trak-trak na mga kamatis ang papasok sa bayan, habang palakas ng palakas ang sigawan ng "To-ma-te, to-ma-te!". Pagkatapos, pagbuga ng kanyon ng tubig, magsisimula ang pinakatampok na labanan. Iyon na ang hudyat sa pagyurak at walang-patumanggang pagpupukulan ng kamatis ng lahat ng mga kalahok. May naghahagis sa malayo, may umaasinta sa malapitan, at may bumabato sa di-kalayuan. Anuman ang paraan mo, pagkatapos nito ay magiging kakaiba ang itsura (at pakiramdam) mo. Paglipas ng halos isang oras, ang naliligo-sa-kamatis na mga nagpukulan ay maiiwang nakalusong sa isang kalsadang punung-puno ng salsa at halos mukhang mga kamatis na din sila. Ang ikalawang pagbuga ng kanyon ang hudyat na tapos na ang labanan. |